Mga nawawalan ng kaanak sa Marawi City, kinuhanan na ng DNA samples

By Rohanisa Abbas July 11, 2017 - 10:11 AM

Photo Credit: Zia Adiong-LDS-CMC

Sinimulan na ng Crime Laboratory ng Philippine National Police (PNP) ang pangongolekta ng DNA samples sa mga taong may nawawalang kamag-anak mula noong pumutok ang kaguluhan sa Marawi City.

Itinayo ang Missing Persons Centers sa evacuation centers sa Lanao del Norte, partikular na sa Iligan City at sa Balo-i.

Inaasahang magtatayo rin nito ang PNP sa Marawi City.

Kinukuhanan ng buccal swabs ang mga ang mga may nawawalang kamag-anak, at ipadadala ang samples sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Supt. Reynaldo Calaoa, pinuno ng ante mortem team, ima-match ang mga ito sa DNA ng mga labi ng mga nasawi sa Marawi City.

Ani Calaoa, ibibigay nila sa kamag-anak ang bangkay mula sa pansamantalang libingan.

Samantala, maaari namang dumulog sa Crime Lab ng Region 10 ang mga hindi makakapunta sa mga nasabing Missing Persons Center sa Lanao del Norte.

TAGS: Lanao Del Sur, Marawi City, Maute Terror Group, Radyo Inquirer, Lanao Del Sur, Marawi City, Maute Terror Group, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.