Alkalde ng Marawi City, pabor sa martial law extension sa Mindanao; 5 taong panukala, masyadong mahaba  

By Dona Dominguez-Cargullo July 11, 2017 - 09:57 AM

Photo Credit: Zia Adiong-LDS-CMC

Masyado pang maaga para matukoy kung palalawigin at kung gaano ang haba ng gagawing pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Marawi City Mayor Majul Gandamra, suportado naman ng lokal pamahalaan ang pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao at ito ay nakatulong sa nararanasang lawlessness sa lungsod.

Gayunman, mayroon pang mahigit isang linggo bago mapaso ang deklarasyon kaya maituturing pang premature para pag-usapan o magdeklara kung gaano katagal ito palalawigin.

Ipinaliwanag naman ni Gandamra na kung kakailanganin sa sitwasyon ang pagpapalawig sa martial law, nasa pangulo aniya ang kapangyarihan upang ito ay gawin at hindi naman nila ito tututulan.

Kailangan lamang aniyang matiyak na walang malalabag na karapatang pantao habang umiiral ang batas militar.

Sinabi ni Gandamra na kung kaya lamang maibalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi City kahit walang martial law ay mas pabor silang huwag na itong palawigin, gayunman kung talagang mananatili ang banta ng pag-atake ay hindi naman sila tututol sa pagpapalawig sa batas militar.

Aminado rin si Gandamra na hindi basta-basta ang sitwasyon lalo pa at may mga foreign fighters sa panig ng mga kalaban, pero masyado naman aniyang mahaba ang panukalang limang taong extension.

 

 

TAGS: majul gandamra, Marawi City, Radyo Inquirer, majul gandamra, Marawi City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.