1 sa 7 naharang sa NAIA, kabilang sa arrest warrant sa ilalim ng martial law declaration

Kasama sa arrest order sa ilalim ng martial law declaration ang pangalan ng isa sa pitong hinarang kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa hinalang may kaugnayan sila sa Maute terror group.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group, si Alnizar Palawan Maute ay kasama sa arrest order number 2.

Dinala na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Alnizar.

Habang tatlong iba pa na kinabibilangan nina Abdulrahman Maute, Yasser Maute, at Ashary Maute ang nananatili sa kostodiya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at sumasailalim sa inquiry.

Ang tatlo kasing nabanggit ay nasa blue notice naman naan ng Philippine Notice on Transnational Crime.

Nauna nang pinalaya kahapon sina Mawiyag Cota, Acmali Mawiyag at Abdulcahar Maute matapos na hindi naman makataan ng derogatory records.

Ang pito ay pasakay sana ng Cebu Pacific flight 5J 499 patungong Malaysia nang maharang sa NAIA.

 

 

 

Read more...