Mas maraming miyembro ng INC, inaasahang dadagsa sa EDSA ngayong araw

By Jay Dones August 30, 2015 - 09:48 AM

 

EDSA-Shaw Aug. 30
Kuha ni Erwin Aguilon

Mas malaking pagtitipon ng kanilang samahan ang ikinakasa ng Iglesia ni Cristo ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa ilang opisyal ng INC, inaasahan nilang mas dadami ang lumalahok sa kanilang kilos-protesta sa EDSA-Shaw Blvd. ngayong araw dahil sa pagdating ng kanilang mga kapatid mula sa mga probinsya.

Ilan sa mga lalawigang inaasahan nilang panggagalingan ng kanilang mga kasamahan na darating ngayong araw ay magmumula sa Bicol Region, Nueva Ecija, Quezon, Zambales, Pangasinan at Batangas.

Gayunman, sa mga oras na ito, kalat-kalat pa ang mga nagvi-vigil sa EDSA-Shaw area.

Samantala, kumakalat naman ang mga text message na nananawagan sa mga miyembro ng ng INC na magtungo na sa EDSA para sa mas malawakang pagkilos ngayong araw upang kondenahin ang umano’y pakikialam ni Sec. Leila De lima sa isyung panloob ng INC.

“Mga kapatid, lahat ng nagsamba kanina, pumunta na sa EDSA. Lahat ng sasamba bukas, magdala ng pamalit ng damit,. Isama kahit hindi Iglesia ni Cristo. Walang uuwi hangga’t hindi natin nakukuha ang katarungan!” laman ng isa sa kumakalat na text message.

Hanggang ngayong araw na lamang ang permit rally na ibinigay ng Mandaluyong City Government.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.