WATCH: Amerikano, pinagsasaksak hanggang sa mapatay sa Caloocan City

By Cyrille Cupino July 11, 2017 - 08:55 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang Amerikano matapos pagsasaksakin sa loob ng inuupahang kwarto sa PNR Compound, Brgy. 73, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si James Rinaldo Bodreaux o mas kilala sa lugar bilang ‘Jimmy’.

Ayon sa landlady ng biktima na si Marissa Silva, pasado-alas diyes ng gabi nang dumating si Bodreaux na may kasamang 17 anyos na binatilyo na kinilala lamang sa alyas na ‘John’.

Pero, dakong ala-una ng madaling araw, nagising na lamang umano sila nang makarinig ng mga kalabog at sigaw ng paghingi ng tulong ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police, tanging cellphone lamang ni Bordreaux ang nawawala sa kanyang mga gamit, at inaalam pa kung pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Ayon pa sa mga residente, mabait na tao umano ang biktima at mayroon pa itong pitong kabataan na pinag-aaral.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Caloocan City Police upang mahuli ang nasa likod ng pagpatay sa biktima.


 

 

 

 

 

TAGS: american national killed in caloocan, crime, metro news, Radyo Inquirer, stabbing incident, american national killed in caloocan, crime, metro news, Radyo Inquirer, stabbing incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.