Babae na presidente ng homeowners, sugatan sa pamamaril sa QC

By Cyrille Cupino July 11, 2017 - 07:41 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Kritikal ang kondisyon ng isang ginang matapos pagbabarilin sa loob ng isang drug store sa Katuparan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Rosemarie Amarille, 46 anyos, at presidente ng Homeowners Association sa Katuparan.

Itinakbo kaagad sa ospital ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa likuran ng ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police Station 6, bumibili lamang umano ng gamot si Amarille para sa may sakit na asawa.

Bigla na lamang umano itong nilapitan ng lalaking nakasuot ng itim na jacket saka pinaputukan.

Nakuha sa crime scene ang isang basyo mula sa caliber .45 na baril.

Hinala ng mga otoridad, maaring may kinalaman ang pagiging presidente ng homeowners association ng biktima sa motibo sa tangkang pagpatay dito.

 

 

 

 

 

TAGS: Commonwealth Quezon City, homeowners association president, Radyo Inquirer, Commonwealth Quezon City, homeowners association president, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.