Klase sa Ormoc City, Tacloban City at Alangalang Leyte, suspendido pa rin ngayong araw  

July 11, 2017 - 07:02 AM

Wala pa ring pasok sa mga paaralan sa Ormoc City; Alangalang, Leyte at Tacloban City ngayong araw ng Martes, July 11.

Kahapon ay muling niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Ormoc City dahilan para suspendihin ngayong araw ang klase doon mula pre-school hanggang high school.

Inatasan din ang Office of the Building Official na magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng gusali ngayong maghapon para matukoy ang panibagong pinsala na naidulot ng malakas na pagyanig kahapon.

Samantala, patuloy ang pagkumpuni ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga linya ng kuryente na nasira dahil sa lindol.

Ang testing kahapon ng NGCP sa kanilang Ormoc substation ay inabot ng gabi dahil sa pahinto-hintong operasyon bunsod ng naranasang pag-ulan at aftershocks.

Ayon sa NGCP, kapag umuulan at nakararanas ng aftershock, kinakailangang agad ihinto ang kanilang operasyon.

Maliban kasi sa delikado ito para sa kanilang linemen, ang mga kinukumuning linya ay mayroong high voltage at sensitibo sa paggalaw at moisture.

 

 

 

 

 

 

TAGS: jaro, leyte, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake in ormoc city, Radyo Inquirer, jaro, leyte, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake in ormoc city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.