Mga tauhan ng Manila Traffic, isasailalim sa ADDA training

By Kabie Aenlle July 11, 2017 - 04:21 AM

Isasailalim sa training ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kaugnay ng pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Matatandaang nang muling ipatupad ang batas matapos suspindehin noong Mayo, hindi muna ito ginawa ng MTPB dahil hindi pa sila handa at masyadong maalam tungkol sa pasikot-sikot ng batas na ito.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, wala siyang balak pahintulutan ang mga tauhan ng MTPB na basta na lang manghuli nang walang sapat na kaalaman tungkol sa naturang batas.

Dahil dito, kailangan nilang dumaan sa mga seminars at trainings, lalo na’t ilang officers na ang napapaaway sa mga motorista dahil sa kalituhan sa batas.

Samantala, bagaman hindi pa ito maipatupad ng MTPB, mayroon namang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) na nakakalat rin sa mga lansangan ng Maynila para sumita sa mga sumusuway dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.