Presyo ng baboy at ilang gulay, bumaba

By Isa Avendaño-Umali August 30, 2015 - 09:42 AM

 

Inquirer file photo

Bumagsak ang presyo ng karne ng baboy, patatas at talong, makalipas ang pananalasa ng Bagyong Ineng sa mga lalawigan sa Northern Luzon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary for Agribusiness Lenadro Gazmin, ang halaga ang karne ng baboy ay bumaba ng sampung piso (P10.00) kada kilo.

Bumaba rin ng sampung piso (P10.00) ang kada kilo ng patatas at talong. Samantala, sinabi ni Gazmin na tumaas naman ang halaga ng galunggong ng sampung piso (P10.00) bawat kilo at alumahan, animnapung piso (P60.00) kada kilo.

Umakyat din ang presyo ng mga gulay gaya ng repolyo, P70.00 kada kilo; carrots, P90.00 kada kilo; at petchay Baguio, P40.00 bawat kilo; kamatis, P10.00 bawat kilo; at native petchay, P30.00 bawat kilo.

Ang price adjustment ay bunsod ng “sailing restrictions” ng mga produkto matapos ang kalamidad.

Matatandaang matinding binayo ng Bagyong Ineng ang maraming probinsya na pinagmumulan ng mga gulay at produkto gaya ng Baguio City at Benguet.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.