Mga opisyal ng gobyerno, nasermunan ni Villar dahil sa pamamayagpag ng garlic cartel
Hindi kumbinsido si Senador Cynthia Villar na epekto ng climate change ang naging sobrang pagtaas ng presyo ng bawang sa merkado.
Ayon kay Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture and food, tumaas ng higit 200 piso kada kilo ng bawang dahil sa mistulang sabwatan ng mga opisyal sa DAat mga importers.
Paliwanag ni Villar, mayroon umanong nag- aapply ng import permit at nabibigyan pero hindi naman dumadating ang bawang.
Dahil dito, namamanipula umano nito ang merkado at nakakaapekto ito sa law of supply and demand na syang nagpapataas sa presyo ng bawang.
Sa ginawang pagdinig sa senado, nakikitang isa sa dahilan ni Villar ang pamamayagpag ng cartel ng bawang at sabwatan ng mga tiwaling opisyal ng DA sa mga importers kaya umabot sa 200 kada kilo ang presyo ng bawang sa bansa.
Samantala, sa panayam, iginiit ni Bureau of Plant Industry OIC Director Vivencio Mamaril na bunsod ng climate change at law of supply and demand ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bawang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.