Tugon ito ni Padilla sa inilutang ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pagpapalawig ng batas militar ng limang taon o hanggang 2022.
Sa Mindanao Hour briefing, sinabi ni Padilla na bago gumawa ng rekumendasyon ang AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte na commander-in-chief, kailangan ay may sapat at matalinong basehan.
Ani Padilla, hindi niya alam kung ano ang pinagbabatayan ni Alvarez sa kanyang naging pahayag na ekstensyon sa martial law sa Mindanao, lalo’t ito ay isang “political decision.”
Maaaring may impormasyon ang speaker na hindi naman hawak ng AFP.
Subalit giit ni Padilla, ang pinagbabatayan nila ay ang mga banta na kinakaharap sa ngayon
Dagdag ng AFP spokesperson, mas mainam aniya na hintayin ang magiging assessment at inputs na pinagsusumikapang tapusin ng mga kinauukulan.
Ang idineklarang martial law ni Duterte, na bunsod ng krisis sa Marawi City, ay tatagal lamang ng animnapung araw.