Mga magra-rally sa SONA, papayagang makalapit uli sa Batasan

 

Inquirer file photo

Sa ikalawang pagkakataon, papayagang muli ng Philippine National Police ang mga rallyista na makalapit sa Batasang Pambansa sa Quezon City para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Ayon kay NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde, gaya nang nakaraang taon hahayaan nilang makaabante ang mga rallysta hanggang sa Batasan Elementary School.

Sa ngayon aniya, nagsimula nang makipagdayalogo ang QCPD sa mga militante para maging mapayapa ang gagawing protesta sa ika-24 ng Hulyo.

Nagbabala naman si Albayalde sa mga police commander na mairireklamo ng pang aabuso sa kapangyarihan, o pananakit sa mga raliyista.

Muling iginiit ng opisyal na maximum tolerance ang kanilang paiiralin sa araw ng SONA kung saan ipakakalat ang nasa 6 na libong mga pulis.

Read more...