Background check, isasagawa ng NBI sa Padre de pamilya ng mga biktima ng Bulacan massacre

By Mariel Cruz July 11, 2017 - 04:22 AM

 

Kuha ni Jomar Piquero

Isasama ng National Bureau of Investigation ang padre de pamilya ng limang magkakaanak na minasaker sa Bulacan, sa kanilang imbestigasyon.

Ayon sa NBI, titignan nila ang background ni Dexter Carlos, na nawalan ng asawa, tatlong anak at biyenan dahil sa masaker.

Samantala, pinag-tutuunan ng pansin ngayon ng pulis at NBI sa imbestigasyon ang isang door knob na natagpuan malapit sa bangkay ng sampung taong gulang na si Donnie Carlos.

Ayon sa ulat, galing sa pinto sa likuran bahagi ng bahay ang nasabing door knob na pinaniniwalaang pinasukan ng mga suspek.

Sinabi ni Sr. Supt. Romeo Caramat, provincial director ng Bulacan Police, na tinitignan nila sa imbestigasyon ang forcible entry ng mga suspek na lulong sa iligal na droga.

Lumalabas aniya na hindi pinagplanuhan ang krimen, at tila napagtripan lang ng mga suspek dahil sa epekto ng droga.

Nitong mga nagdaang araw, napatay na ang tatlong itinuturing na persons of interest sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.