Nasawi ang dalawamput siyam na katao habang siyam naman ang sugatan makaraang mahulog ang sinasakyang community bus sa isang ilog sa Eastern Cape, South Africa.
Ayon sa tagapagsalita ng Willowvale police na si Capt. Jack Manacha, anim sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon.
Kabilang din aniya sa mga nasawi ang driver ng naturang bus.
Posible aniya na may iniwasan ang driver sa kalsada na nagresulta sa pagkakahulog ng minamanehong bus sa ilog.
Iniimbestigahan na ngayon ng mga pulis ang totoong naging dahilan ng aksidente. Nangyari ang aksidente sa ilog na malapit sa komunidad ng Willowvale.
MOST READ
LATEST STORIES