Duterte pinayuhan na gamitin ang SONA para sa martial law extension

Inquirer file photo

Hinikayat ni Kabayan Rep. Harry Roque si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanyang State of the Nation Address (SONA) na pagkakataon na hiniling sa Kongreso ang pagpapalawig sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Roque, walang batas o probisyon sa 1987 Constitution na makakapigil sa pangulo na gamitin ang kanyang SONA para hiniling sa Kongreso ang extension ng Martial Law.

Noong nakaraang May 23, idineklara ni Duterte ang Martial Law sa Mindanao, at sa ilalim ng Konstitusyon, tatagal ito ng animnapung araw.

Dahil dito, mawawalan na ng bisa ang Batas Militar sa July 23, isang araw bago ang ikalawang SONA ni Pangulong Duterte.

Giit ni Roque, magandang pagkakataon ang SONA ni Duterte para humiling sa Kongreso ng extension.

Pero sa kabila nito, umaasa ang mambabatas na ang idineklarang Martial Law ng pangulo sa Mindanao ay makatutulong sa tropa ng gobyerno na tuluyan mapulbos ang Maute group sa Marawi.

Read more...