Magpapatupad ng panibagong oil price increase ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.
Ito ay matapos na mag-anunsyo ang mga oil companies ng P1.20 na dagdag presyo sa kada litro ng diesel, P0.70 sa bawat litro ng gasolina at P0.70 rin sa kerosene o gaas.
Unang magtataas ang Flying V 12:01 ng madaling araw na susundan ng Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, Jetti, Caltex, Phoenix, PTT at Seaoil simula alas-sais ng umga.
Inaasahan namang mag-aanunsyo din ng kaparehong pagtataas ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.
Sinabi ng ilang insiders sa oil industry na may kaugnayan ang panibagong price increase sa galaw ng bentahan ng petrolyo sa world market.
Ito na ang ikalawang beses na magtataas ang mga kumpanya ng langis ng kanilang mga presyo sa loob ng buwang kasalukuyan.