Sec. Leila de Lima, biglang sikat, nag-trending dahil sa INC

By Jay Dones August 30, 2015 - 08:57 AM

Inquirer file photo

Biglang sikat ngayon si Justice Secretary Leila de Lima lalo na sa social media.

Trending ang kalihim sa mga social media sites dahil sa hashtag na #DeLimaBringtheTruth na ginagamit ng mga netizen bilang pagpapakita ng suporta dito at nananawagan na manatili ito sa kanyang puwesto at huwag magpa-bully sa mga taga INC.

Sa pinakahuling tala, umaabot na sa 138,000 tweets ang tinatanggap ng naturang hashtag na kasama na naungusan pa ang mga hastag na #IglesianiCristo na may 54,600 na tweets at #EDSA na may 19,600 tweet.

“Hindi ang INC ang pinakikialaman ni de lima ung kaso na isinampa #DeLimaBringtheTruth,” ayon sa netizen na si @thinaMaso.

“#DearINC umuwi na lang po kayo sa mga bahay nyo. Di nyo ba napapansin inuuto lang kayo ng mga ministro niyo? ayon naman sa netizen na si Reymar Origenes.

“#DearINC Sana sa Arena nyo yan ginawa, dba kayo may ari ng arena pay naman ni krystinrae.

“#DearINC you are all strong kamusta nmn yung naipit sa EDSA nagutom at pagod lupaylapay di kau affected eh pano n naipit s trapik ok lng ,” reklamo ng netizen na si mhark daro.

Una nang naglunsad ng rally ang mga taga-INC sa harapan ng gusali ng Department of Justice noong nakaraang Huwebes at matapos ito;y nagtungo ang mga ito sa EDSA Shaw Boulevard kung saan nagpapatuloy ang kanilang protesta.

Reklamo ng grupo, nilabag ni De Lima ang separation ng Simbahan at ng estado nang tanggapin nito ang reklamong serious illegal detention ni Isaias Samson Jr., isa sa mga ministrong itiniwalag ng INC laban sa ilang pinuno ng Iglesia.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.