PNP, nagbebenta ng t-shirt at ballers bilang suporta sa tropa ng gobyerno sa Marawi

By Mark Gene Makalalad July 10, 2017 - 01:02 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Upang ipakita ang suporta sa tropa ng gobyerno na nakikipagbakbakan sa Marawi City, sumunod na rin ang Philippine National Police (PNP) sa yapak ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pormal na inilunsad ang National Capital Region Police office (NCRPO) ang kanilang t-shirt at baller na may tatak na “Team NCRPO Supports Peace in Marawi”.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, layunin ng kanilang proyekto ang pagpapataas sa morale ng mga militar at pulis na patuloy na lumalaban para sa kapayapaan sa Mindanao.

Batid daw kasi nila ang hirap ng mga tropa doon at sakripisyo na kanilang ginagawa.

Ang t-shirt ay nagkakahalaga ng P250 habang ang baller naman ay nagkakahalaga ng ng P50.

Sa ngayon, mabibili muna sa ang t-shirt at baller sa tanggapan ng NCRPO sa Taguig City at inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay maging available na ito sa ibang tanggapan.

Pinag-aaralan din ng NCRPO ang pagtanggap ng orders online.

Target ng NCRPO na makalikom ng P1 Million para sa government troops sa Marawi.

“Yung proceeds nito, ipapadala sa Marawi para tulong sa mga kababayan natin doon at naglabas din kami sa ibat ibang station ng alkansya para sa Marawi so makikita nyo mayroon tayong lalagyan ng tubig may markings doon, voluntary ito from our personnel,” ayon kay Albayalde.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.