Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, kapag mayroong ayaw si Duterte sa draft ng kanyang talumpati ay talagang pinapapalitan o binabago niya ito.
Inihalimbawa ni Andanar ang ‘practice’ ni Duterte noong isang gabi, ngunit kinabukasan ay may bago na naman sa speech.
Hindi naman idinetalye ni Andanar ang mga nilalaman ng ulat sa bayan ni Duterte, dahil nasa proseso pa raw ang PCOO sa pagplantsa rito.
Matatandaan na noong unang SONA ni Duterte, nasa sampung revisions ang PCOO at Presidential Management Staff sa speech, bago tuluyang aprubahan ng punong ehekutibo.
Kaugnay nito, sinabi ni Andanar na gaya ng unang SONA ni Duterte ay magiging simple lamang ang ikalawang SONA.
Mismong ang presidente aniya ang umapela na huwag magarbo ang pagdaraos ng okasyon.