Muling niyanig ng malakas lindol ang Ormoc City, Lunes ng umaga.
Naitala ng Phivolcs ang magnitude 5.4 na lindol alas 9:41 ng umaga sa 9 kilometers East ng Ormoc City.
May lalim lamang na 6 kilometers ang lindol.
Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ng Phivolcs ang intensity 6 sa Ormoc City.
Intensity 5 sa Kananga, Leyte; intensity 4 sa Mayorga, Leyte, Tacloban City at Mandaue City; intensity 3 sa Loay at Jagna, Bohol; at sa Cebu City; intensity 2 sa Lapu-Lapu City; Cadiz City, Negros Oriental at Palo, Leyte.
Sa mga larawan sa social media, muling nagdulot ng panic sa publiko ang nasabing pagyanig at naglabasan ng gusali at bahay ang mga residenteng nakaramdaman ng lindol.
Simula nang maganap ang magnitude 6.5 na yumanig sa Jaro, Leyte noong nakaraang linggo, sinabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na mahigit 600 nang aftershocks ang kanilang naramdaman sa lungsod.