Patay sa bakbabakan sa Marawi City, mahigit 500 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2017 - 09:38 AM

LDS-CMC

Umabot na sa mahigit limangdaang katao ang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nagdaang weekend, nadagdagan pa ng labingdalawa ang bilang ng mga kalaban na napatay.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni AFP Spokesperson, B/Gen. Restituto Padilla, sa ngayon, 379 na ang bilang ng mga napapatay na kalaban.

Nananatili sa 39 ang bilang ng sibilyan na nasawi habang 89 naman ang bilang ng mga nasawing tropa ng pamahalaan.

Samantala, patuloy ang clearing operations na ginagawa ng militar at pagbagsak ng bomba sa mga pinaniniwalaang kuta ng Maute terror group.

Nauna rito, inanunsyo ng AFP na nasa 80 na lamang ang posibleng bilang ng Maute na nasaw Marawi City.

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, Marawi City, Maute Terror Group, Radyo Inquirer, AFP, Marawi City, Maute Terror Group, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.