18 estudyante, sugatan sa naaksidenteng school bus sa Taguig

By Mark Gene Makalalad July 10, 2017 - 08:20 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sugatan ang 19 na katao kabilang ang 18 estudyante, matapos tumigilid ang school service sa Northbound area ng Mckinley-C5.

Papasok sana ng paaralan ang mga estudyante ng Fort Bonifacio Elementary School pero sa halip na sa silid-aralan ay Ospital ang diretso nila.

Nakilala ang driver ng school service na may plakang TWJ-647 na si Jason Bernabe, 30 taong gulang.

Ayon kay Arthur Alvin Fauvel, Traffic Management Office ng Taguig pasado alas sais ng umaga nang tumagilid ang isang school service sa area ng Northbound ng Mckinley C5.

May karga itong 18 estudyante na nasa 7 taong gulang pataas.

Nagpapagaling naman na ang mga estudyante na pawang nagtamo lamang ng minor injuries.

Bago naman mag alas syete ng umaga ng dumating ang mga enforcers at ambulansya sa lugar ng aksidente para hatakin ang tumagilid na sasakyan.

Ang school service naman na tumagilid ay nasa traffic bureau na ng Taguig.

 

 

 

 

TAGS: accident, mackinley, metro news, Radyo Inquirer, school bus, Taguig City, accident, mackinley, metro news, Radyo Inquirer, school bus, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.