Radio reporter, nabiktima ng carnapping sa Pasay City

By Cyrille Cupino July 10, 2017 - 08:05 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Nabiktima ng carnapping ang isang radio reporter habang naka-parada sa Taft Avenue, Pasay City.

Kwento ng mamamahayag na si Jojo Sicat ng DZRJ, ipinarada niya ang kanyang kulay puting Toyota Corolla na may plakang UHJ 783 sa isang shop malapit sa istasyon ng LRT sa Taft Ave.

Nang bumalik siya matapos kumain sa mall, nagulat na lamang siya na wala na ang kanyang sasakyan.

Nang magtanong sa lugar, sinabi ng ilang testigo na may isang babae at lalaki na nagbukas ng sasakyan ni Sicat, saka pinaharurot patungo sa direksyon ng Libertad at Evangelista.

Nahagip pa ng CCTV ang pag-alis ng sasakyan ni Sicat, pero hindi nakta sa camera ang itsura ng mga suspect.

 


 

 

 

 

TAGS: carnapping incident, crime, metro news, Pasay City, radio reporter, Radyo Inquirer, carnapping incident, crime, metro news, Pasay City, radio reporter, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.