Ilang lalawigan sa Visayas, wala pa ring suplay ng kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2017 - 06:53 AM

PHOTO CREDIT: Ahlly Zah Acaso

Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa maraming lugar sa Visayas bunsod ng lindol na naganap sa Leyte.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hindi nila natapos ang testing sa kanilang substation sa Ormoc kahapon.

Ito ay dahil sa malakas na buhos ng ulan sa lugar.

Tiniyak naman ng NGCP na agad itutuloy ang testing sa sandaling maging maganda na ang panahon ngayong araw.

Kung magiging maayos ang resulta ng gagawing testing, ang mga lalawigan ng Samar, Leyte, Biliran, at Bohol ay masusuplayan ng kuryente galing sa Cebu.

Samantala, simula noong Biyernes, naibalik na ang suplay ng kuryente sa Kananga Leyte na isa sa pinakamatinding naapektuhan ng lindol.

Gayunman, dahil kapos pa rin ang suplay ng kuryente ay nagpapatupad pa ng rotational brownout sa Kananga tuwing ikaapat na oras.

Wala pa ring pasok sa mga paaralan sa Kananga, hanggang bukas, araw ng Martes.

 

 

 

 

 

TAGS: cebu, earthquake, leyte, National Grid Corporation of the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, power interruption, Radyo Inquirer, Visayas, cebu, earthquake, leyte, National Grid Corporation of the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, power interruption, Radyo Inquirer, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.