Aktres na si Jolina Magdangal isinugod sa ospital, matapos maaksidente sa QC

Cyrille Cupino

Isinugod sa ospital si Jolina Magdangal at asawa niyang si Mark Escueta matapos banggain ng isang van ang sinasakyan nilang SUV sa East Avenue sa Quezon City, Lunes ng madaling araw.

Cyrille Cupino

Ayon sa family driver na si Orly Sebulino, kasama ng aktres sa loob ng Mitsubishi Montero ang mister at ang kanilang anak.

Kwento ni Sebulino, ihahatid niya sana ang mag-anak sa airport dahil may flight ito pa-Hong Kong nang mangyari ang aksidente pasado ala una ng madaling araw.

Nakahinto sila sa stop light sa tapat ng Philippine Heart Center nang banggain sila sa likod ng isang van na minamaneho ni Peter Sevilla.

Sa lakas ng impact, nawasak ang harapan ng van kung saan naipit ang driver nito habang nabasag din ang salamin sa likod ng SUV ng aktres at nayupi ang bahagi ng sasakyan.

Aminado naman ang driver ng van na napaidlip siya kaya hindi agad nakapreno nang huminto sa stoplight ang SUV ng aktres.

 

 

 

 

Read more...