Bagong fiscal calendar, ipatutupad ng gobyerno

 

Magpapatupad ng bagong fiscal calendar ang pamahalaan upang maiwasan na ang under-spending.

Ito’y sa ilalim ng Joint Circular No. 2017-1 na inilabas nina Budget Sec. Benjamin Diokno, Finance Sec. Carlos Dominguez at Socioeconimc Planning Sec. Ernesto Pernia.

Binuo ang isang bagong fiscal calendar na naglalatag ng mga deadlines na dapat sundin ng mga ahensya para makamit ang mga planning at budgeting targets.

Masi-synchronize ng nasabing kalendaryo ang mga schedule ng fiscal activities na ginagawa ng mga ahensya ng gobyerno, pati na ang mga oversight offices at executive committee.

Dahil dito, magiging accountable sa publiko ang gobyerno at ang mga ahensya nito para tumugon nang maayos sa kanilang mga fiscal responsibilities.

Sakop ng circular ang lahat ng kagawaran, ahensya, kawanihan, opisina, komisyon, state universities and colleges, government-owned and -controlled corporations, pati na ang iba pang mga instrumentalities ng pamahalaan.

Ayon pa sa tatlong economic managers, habang planado na ang malaking dagdag sa maintenance outlays at capital expenditures, kapansin-pansin pa rin ang underspending nitong mga nagdaang taon at ito ang kanilang planong maiwasan.

Read more...