Ceasefire sa Syria, ipinatupad ng US, Europe at Jordan

By Kabie Aenlle July 10, 2017 - 04:29 AM

 

Nagsimula nang umiral ang isang open-ended ceasefire sa southern Syria na ipinatupad ng United States, Russia at Jordan kahapon.

Inanunsyo ang nasabing kasunduan matapos ang pakikipagpulong ni US President Donald Trump kay Russian President Vladimir Putin.

Ito ang kauna-unahang hakbang ng Trump administration sa pakikipagtulungan sa Russia, na isulong ang stability sa Syria.

Kasunod ito ng ilang linggo ng palihim na pakikipag-usap nila sa Jordanian capital na Amman, para aksyunan ang dumaraming pwersa ng Iran, na sumusuporta sa gobyerno ng Syria, sa mga borders ng Israel at Jordan.

Hindi naman binanggit ng tatlong bansa kung anu-ano ang mga mekanismo sa pagmomonitor nila o pagpapatupad ng tigil-putukan.

Ayon naman kay Prime Minister Benjamin Netanyahu, bukas ang Israel sa pagkakaroon ng “genuine ceasefire” sa southern Syria sa mahabang panahon.

Ito’y hangga’t hindi ito magbibigay daan para sa pagpaparami ng pwersa ng Iran sa mga borders.

Sa loob ng anim na taong giyera sa Syria, wala pang ceasefire na tuluyang nauwi sa katahimikan dahil hindi rin ito nagtatagal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.