Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sana’y kauna-unahan niyang pagbisita ngayong araw sa Ormoc City sa Leyte na lubhang naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol.
Ito ay ayon mismo kay Philippine Information Agency (PIA) regional manager Alicia Nicart, pero wala naman siyang nabanggit na dahilan kung bakit hindi matutuloy ang pangulo.
Sa kabila nito, ilang miyembro ng Gabinete ang inaasahang tutuloy ngayong araw para makipagpulong sa mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang talakayin ang magiging rehabilitation plan.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development-Eastern Visayas (DSWD-8), dadating doon ang si Undersecretary Hoper Hervilla bilang kinatawan ni Sec. Judy Taguiwalo.
Una nang nag-abiso ang Presidential Management Staff sa mga opisyal ng lungsod na maghanda sa pagdating ng pangulo, na ngayon pa lang niya sana gagawin mula nang manalo siya sa halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.