AFP, aminadong may mga nakatakas nang Maute members

By Kabie Aenlle July 10, 2017 - 04:33 AM

 

Aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga miyembro ng Maute Group na ang nakatakas sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga evacuees.

Ayon kay Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera, ilang mga terorista na ang posibleng nakatakas sa pamamagitan ng pagdaan sa Lake Lanao at mga kadikit na lugar ng Marawi City.

Ito ang sinabi ni Herrera nang tanungin siya kung paanong nangyaring nasa 80 na lang ang natitirang Maute members sa Marawi, gayong tinatayang nasa 700 na terorista ang lumusob doon at 366 lang naman ang huling naitalang bilang ng mga napatay.

Paliwanag ni Herrera, estimate lang naman ang 700, bagaman inamin niyang may mga nakatakas talaga.

Gayunman, nilinaw niya na naging matagumpay lang ang pagtakas ng mga terorista mula sa war zone noong mga unang isa hanggang dalawang linggo ng bakbakan.

May mga ilan din aniyang nagpanggap na sibilyang na-trap sa loob, at mga nag-hamak na tumakas sa pamamagitan ng peace corridors ngunit nasukol din sa pamamagitan ng mas mahigpit na screening.

Hindi na niya nabanggit kung ilan na ang nahuli ng mga otoridad, pero maari aniyang gawing basehan ang dami ng mga armas na inabandona ng mga ito.

Tiniyak din ni Herrera na hindi na makakatakas ang mga kalaban sa Lake Lanao dahil kinordonan na nila ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.