Higit 5,000 motorista, nag-ikot sa Quezon City para ipanawagan ang pagkakaroon ng Unified Riders’ Law

By Mark Makalalad July 09, 2017 - 03:10 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Mula Commonwealth hanggang People’s Power Monument, pumarada ang nasa mahigit 5,000 motorista upang ipanawagan ang pagkakaroon ng Unified Rider’s Law.

Ayon kay Jobert Bolanos, spokesperson ng grupong Motorcycle Rights Organization, kanilang binabatikos ang dumadaming ordinansa na nilalabas ng mga Local Government unit o LGU patungkol sa mga kagamitan sa motorsiklo na gusto nilang ipagbawal.

Pag-giit nya, nasasakripisyo ang kaligtasan ng mga rider dahil may ilang lugar na nagbabawal ng pagsusuot ng helmet at full face mask na nagproprotekta sa kanila sa polusyon at dumi ng kalsada.

Paliwanag niya, naghahanap na sila ng sponsor ngayon sa Kongreso at kanilang kinakausap si Deputy Speaker Miro Quimbo para maghain ng Unified Rider’s Bill.

Layun daw ng kanilang panukala ang pinag isang batas na sumasakop sa mga nagmo-motorsiko para hindi na maging pabago bago at nakakalito ang mga ordinansa sa bawat lugar na kanilang binabaybay.

Samantala, ayon naman kay Police Chief Insepctor Melchor Rosales ng Quezon City Station 8, bagaman nagdulot ng bahagyang trapiko naging maayos naman sa pangkalahatan ang pagdaraos ng naturang programa.

Maliban sa Motorcycle Rights Org, kasama rin sa parada ang Bulacan Motorcycle Fedeation, Mio riders club of Cavite at Riders safety advicsyes of the philippines.

Jobert Bolanos, Spokesperson ng grupong Motorcycle Rights Organization.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.