Ika-22 anibersaryo ng PCRG, ipinagdiwang sa Camp Crame

By Mark Makalalad July 09, 2017 - 03:05 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Ipinagdiwang ngayong araw ang ika-22 anibersrayo ng Police Community Relations Group ng Philippine National Police.

Pinangunahan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagdiriwang kasama si Interior and Local Government Officer In Charge Catalino Cuy.

Sabay sabay na nanumpa ang libu-libong pulis na patuloy silang susuporta sa anti drug campaign ng pamahalaan.

Nagkaroon din ng covenant signing ang mga pulis kasama si Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, sa kabila ng tagumpay sa unang taon ng war on drugs, asahan daw ng publiko na patuloy silang magpupursige nang sa gayon ay tuluyan na itong mapuksa.

Samantala, ipinakita naman sa naturang programa ang mabilis na pagresponde ng PCG sa aksidente.

Nagkaroon ng role playing kung paano ang tamang pagpatay sa sumingaw na LPG para hindi ito sumabog, tamang pagpatay ng apoy sa nasusunog na kawali at kung paano gumamit ng improvised fire extinguisher na gawa sa baking soda, tissue, water, at dishwashing liquid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.