Sa isang statement, inanunsyo ng Palasyo ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Santiago bilang pinuno ng DDB.
Matatandaan na pinamunuan noon ni Santiago ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, noon pa ma’y expertise at adbokasiya na ni Santiago ang paglaban sa ilegal na droga, at naging plataporma pa niya ito noong tumakbo sa 2016 Senatorial elections.
Ani Abella, ang pagbabalik ni Santiago sa gobyerno bilang DDB chairman ay makakatulong sa naisin ng presidente na maging drug-free ang Pilipinas.
Nauna nang sinibak ni Duterte si Benjamin Reyes bilang DDB chairman dahil sa ibang datos nito kaugnay sa dami ng mga adik sa droga sa bansa.
Sinabi ni Reyes noon na 1.8 million lamang ang drug addicts sa bansa, pero deklarasyon ng pangulo, nasa apat na milyon ang drug dependents.