Malakanyang, binati ang bagong CBCP President
Nagpaabot ng malugod na pagbati ang Malakanyang sa bagong pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na si Davao Archbishop Romulo Valles.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pagkakatalaga sa bagong CBCP president na mula sa Davao ay isang hudyat ng ‘new day of peace’ para sa isang multi-cultural na Pilipinas.
Dagdag ni Abella, hindi matatawaran ang serbisyo ni Valles bilang pari sa loob ng apat na dekada.
Naniniwala ang Palace spokesperson na ang kaalaman ni Valles sa mga nangyayari sa Davao at Mindanao ay makakatulong ng husto sa kampanya para sa interfaith dialogue at intercultural understanding, lalo na para sa mga plano ng pamahalaan upang maibangon ang Marawi City at mai-transform ang Mindanao bilang isang ‘land of fullfillment.’
Ani pa ni Abella, sa pamumuno ni Valles sa mga mananampalatayang Katoliko, sana’y maging mas bukas umano ang simbahan sa dayalogo at mas mapatibay ang kooperasyon sa gobyerno partikular sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.