Dating PDEA Chief Ret. Gen Dionisio Santiago, bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board

By Ricky Brozas July 09, 2017 - 12:48 PM

Si dating Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Chief retired General Dionisio Santiago na ang bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board.

Itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang posisyon nuong nakaraang araw ng Miyerkules base sa ulat ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Si Santiago na dati ring nagsilbi bilang Chief of staff ng Armed Forces of the Philippines ay papalit kay Benjamin Reyes na sinibak sa posisyon dahil sa paglalahad ng mga hindi magkakatugmang estadistika ng mga gumagamit ng droga.

Batay sa profile na nakapaskil sa website ng Philippine Constitution Association, si Santiago ay nanungkulan bilang PDEA chiefsimula nuong 2006 hanggang 2010.

Naging Bureau of Corrections director mula 2003 hanggang 2004, Philippine Army commanding general mula Marso hanggang November 2002, Central Command Visayas commanding general mula July 2001 hanggang March 2002 at Commanding General ng Special Operations Command mula 1999 hanggang 2001.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.