Gabriela, humiling na imbestigahan ang military operations sa Bukidnon

By Angellic Jordan July 09, 2017 - 12:45 PM

Nais ng isang partylist group na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y abusadong military operations sa North Cotabato at Bukidnon.

Sa inihaing House Resolution1113, inapela ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na humahantong ang ilang operasyon ng militar sa paglabag sa karapatang-pantao at paglikas ng mahigit 1,600 Moro at 260 pamilya simula nang ideklara ng batas militar sa Mindanao.

Ani Brosas, mayroong nangyayaring airstrikes at pagsunog sa ilang kabahayan ang miyembro ng 39th at 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa North Cotabato at Bukidnon kahit na hindi kumpirmado ang presenya ng Maute group sa lugar.

Apektado aniya nito ang Barangay Salat at Tuael sa President Roxas, North Cotabato at Barangay Tangkulan at Anggaan sa Damulog, Bukidnon.

Ayon pa sa kongresista, ito ay base sa mga natanggap na ulat ng grupo mula sa mga residente kung kaya’t humihingi rin ng agarang tulong ang mga ito.

Dagdag pa nito, hindi dapat mapigilan ang naging desiyon ng Korte Suprema sa batas militar ang gagawing imbestigasyon sa Kamara.

Ipagpaptuloy rin aniya ng grupo ang pagbibigay ng ulat mula sa mga komindad sa lahat ng posibleng paraan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.