Alvarez, gusto ng limang taong Martial Law sa Mindanao
Ihihirit ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kongreso na palawigin pa ang Martial Law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao ng limang taon.
Ito aniya ay para mas mabigyan pa ang pangulo ng mahabang panahon para sugpuin ang terorismo at kaguluhan sa rehiyon.
Sinabi ni Alvarez na kung makukumbinsi niya ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso, itutulak niya ang extension ng Martial Law hanggang taong 2022.
Ani Alvarez, ang dalawa o limang buwan at isa o dalawang taon ay masyado pang maiksing panahon para tuluyang masugpo ang terorismo sa Mindanao.
Noong nakaraang May 23, isinailalim ni Pangulong Duterte ang buong Mindanao sa Martial Law kasunod ng pagsiklab ng kaguluhan na dala ng ISIS-inspired Maute terror group sa Marawi City.
Ayon sa pangulo, wala pa siyang plano na alisin ang Batas Militar sa rehiyon bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa darating na July 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.