Presyo ng produktong petrolyo tataas sa susunod na linggo

Nag-anunsyo na ng panibagong oil price increase para sa susunod na linggo ang mga oil companies.

Ito ang ikalawang sunod na oil price hike sa buwang kasalukuyan na sinasabing may kaugnayan pa rin sap ag-galaw ng presyo ng mga oil products sa world market.

Ayon sa ilang industry insiders, aabot mula P1.10 hanggang P1.20 kada litro ang dagdag sa presyo ng Diesel.

Aabot naman sa P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa bawat litro ng Gasolina at P0.90 naman naman para sa kerosene o gaas.

Kadalasang Martes ng umaga kung magpatupad ng bawas o dagdag ng presyo ang mga oil companies sa bansa lalo na sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan

Read more...