Pag-Ibig Fund may 6-month moratorium sa loan payments ng mga taga-Marawi City
Inanunsyo ng Home Developmet Mutual fund (HDMF) o Pag-Ibig Fund na six-month moratorium para lahat ng uri ng koleksyon sa anumang uri ng loan payments ng mga miyembrong apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Sinabi ni Pag-Ibig Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti na sakop ng payment moratorium ang buwan ng Hunyo bilang bahagi ng moratorium.
Kabilang rin sa saklaw ng anim na buwang moratorium ang mga residente ng Marawi City pero nagta-trabaho sa labas ng lungsod.
Nauna nang sinabi ng Office of the Cabinet Secretary na umapela sa kanila ang mga lokal na opisyal ng Lanao Del Sur na payagan ang mga Pag-Ibig Funds members na huwag na munang magbayad ng kanilang mga loans dahil sa nagaganap na kaguluhan.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Pag-Ibig Fund na makikibahagi rin sila sa P20 Billion rehabilitation project para sa lungsod ng Marawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.