ISIS sa Iraq durog na ayon sa Iraqi Foreign Ministry

Anumang oras mula ngayon ay iaanunsyo na ng Iraqi security forces ang kanilang pagkakabawi sa lungsod ng Mosul na isa sa itinuturing na pinakamalaking kuta ng Islamic State (ISIS).

Ayon sa ulat ng Iraqi State TV, ilang mga lugar na lang sa Mosul ang hawak ng ISIS makaraan ang inilunsad na sunud-sunod na pag-atake ng mga tropa ng kanilang pamahalaan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Iraqi Foreign Ministry na titiyakin ng kanilang pamahalaan na madudurog ang ISIS sa kanilang bansa sa mga susunod na oras.

Base sa mga ulat, nagsimula nang tumakas ang ilan sa mga lider ng teroristang grupo makaraan ang malalakas na bombang ginamit ng kanilang pamahalaan.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng pamahalaan ng Iraq na ito na ang simula ng tuluyang pagkabura ng kasaysayan ng ISIS sa kanilang bansa.

Read more...