P11 Million halaga ng shabu nakumpiska sa Quezon City

Inquirer file photo

Nasabat ng pulisya ang P11 Million halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City.

Inaresto rin ng Drug Enforcement Unit ng Northern Police District ang tatlong suspek sa isang condominium sa lungsod 12:10 ng madaling-araw.

Kinilala ni Chief Inspector Kimberly Molitas, tagapagsalita ng National Capital Region Police office, ang mga suspek bilang sina Junmar Gopo, Darwin Lazarte at Eugene Ludovice.

Nakuha sa mga ito ang limang transparent bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang 4.6 kilo ang bigat.

Inaalam ng mga otoridad kung saang sindikato ng iligal na droga kasangkot ang mag naarestong suspek.

Nakakulong na sa NPD headquarters sa Caloocan City ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Read more...