Bilang ng undocumented OFW na umalis ng bansa, umabot sa 43,000 – B.I

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Mahigit 43,000 katao ang naharang na umalis ng bansa sa unang taon ng administrasyong Duterte.

Sa ulat ng Bureau of Immigration, ito ay parte ng polisiya na pagbabawas ng hinihinalang undocumented overseas workers.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI Port Operations Division chief Marc Red Mariñas na mula July 2016 hanggang June 2017, nakapagtala nang kabuuang 43,233 katao ang nabawas sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Natagalan aniya ang pag-alis ng mga pasahero dahil sa hindi pagsunod sa requirements na makakapag-apruba sa kanila bilang turista at hindi ang tinatawag na “tourist workers.”

Dagdag pa nito, umabot sa 502 pasahero ang hinihinalang bilang ng trafficking victims at itinurn over sa Inter-Agency Council Against Trafficking for Investigation.

Umaabot sa 90-poriensto ng naturang mga pasahero ang nasala mula sa Ninoy Aquino International Airport at mga pantalan sa Mactan, Clark, Kalibo, Zamboanga, Davao at Iloilo.

Read more...