Maute members sa Marawi City 80 na lang ayon sa AFP
Aabot na lamang sa 80 ang miyembro ng Maute Group na nasa Marawi City.
Sinabi ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa ika-pitong linggo ng bakbakan sa lungsod.
Aabot na sa 353 na mga terorista ang napapatay ng pwersa ng pamahalaan habang nasa 85 sa panig ng militar, ayon kay Padilla.
Nasa 426 na matataas na kalibre ng baril naman ang narecover na ng mga sundalo.
Dagdag pa ni Padilla, bagaman nagpapatuloy ang bakbakan sa ilang mga lugar sa Marawi City, hindi na umano gumaganti ng putok ang mga kalaban.
Kaugnay nito, sinabi ni Padilla na may 800 bahay pa ang hindi nalilinis ng ating security forces at nasa 300 sibilyan ang nanatili at maaaring naiipit ng gulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.