Bangkay natagpuang nakabitin sa isang puno sa U.P

Natagpuang nakabitin sa isang puno at wala ng buhay ang isang lalaki sa kahabaan ng University Avenue sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City kaninang umaga.

Ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang “Muslim” na sinasabing barker ng mga pampasaherong jeepney sa Tandang Sora sa nasabi ring lungsid.

Sa paunang imbetigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakakita sila ng nylon cord at malaking panyo sa leeg ng biktima.

Walang nakitang suicide note ang mga otoridad at hindi rin nila isanasa-isangtabi ang posibilidad na may foul play sa nasabing pangyayari.

Read more...