Ikatlong “person of interest” sa Bulacan massacre natagpuang patay

By Jimmy Tamayo July 08, 2017 - 10:15 AM

Natagpuang patay ang isa sa “person of interest” kaugnay nang pagpatay sa mag-iina sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kinumpirma ng kanyang kaanak na patay na si Anthony Garcio o alyas Tony na unang napaulat na nawawala makaraang dukutin ng hindi kilalang lalaki sa isang bahay.

Sabado ng umaga nang matagpuang ang bangkay ni Garcia sa Pacalag, San Miguel, Bulacan.

Si Garcia ay ikatlong “persons of interest” na nauna nang idinawit ng naarestong suspek na si Carmelino Ibanez, Alyas “Miling” na nasa likod ng pagpatay sa mag-iina sa loob ng kanilang bahay sa North Ridge Royal Subdivision sa  Brgy Sto. Cristo sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Unang napatay sa mga “persons of interest” si Rolando Pacinos, alyas “Inggo” na natagpuan ang bangkay sa Palmera Drive, Phase 7 sa Brgy. Sto. Cristo at may nakalagay pang karatula na may nakasulat na nagsasabing “addict at rapist ako huwag tularan.”

Sinundan ito ng pagpatay kay Rosevelth Sorima, alyas Ponga na pinagbabaril sa loob ng kanilang bahay.

Kaugnay nito, isa pa sa idinawit ni alyas Miling na si Alvin Mabesa ay sinasabing nawawala makaraang dukutin ng mga lalaking sakay ng isang van.

Noong June 27, natagpuan ang duguang bangkay ng mag-iinang sina Aurora, 58 anyos; anak na si Estrella, 28 anyos at mga anak nitong sina Donnie, 11 anyos; Ella, 7 anyos at isang taong gulang na si Dexter, Jr. Tadtad ng saksak ang mag-inang Aurora at Estrella at kapwa ginahasa pa ng mga suspek.

Noong Miyerkules, July 5 ay inihatid sa kanilang huling hantungan ang mag-iina.

Samantala, inilagay na sa witness protection program ng Department of Justice ang padre de pamilya, na si Dexter Carlos.

TAGS: massacre suspect, person of interest, san jose del monte bulacan, massacre suspect, person of interest, san jose del monte bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.