Pagpunta sa Marawi City itutuloy pa rin ni Duterte

Inquirer file photo

Muling susubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapunta sa Marawi City para damayan ang mga tropa ng pamahalaan na nakikipaglaban sa mga teroristang miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group.

Ito ay makaraan ang ikalawang bigong pagtatangka ng pangulo kahapon na makapasok sa nasabing lungsod.

“This is the second time. The last time I was not able to go in because also of the weather. Dito naman, ngayon ganoon din nangyari. We were circling many times but we could not penetrate, the weather was really squall”, ayon sa pangulo.

Naniniwala rin sa pangulo na maitataas niya ang morale ng mga tropa ng gobyerno kapag nakita nilang kasama nila sa pagtatanggol ng bayan ang kanilang Commander-in-Chief.

Samantala, ipinaliwanag ng pangulo na hinihintay niya ang magiging rekomendasyon ng kanyang mga security officials kung aalisin na ba ang ipinatutupad na martial law sa Mindanao o mas palalawigin pa ito.

Sa susunod na linggo ay nakatakdang magsumite ang Department of National Defense ng kanilang rekomendasyon sa pangulo.

Ipinaliwanag ni DND Sec. Delfin Lorenzana na patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng kanilang mga ground commanders sa Mindanao region.

Read more...