Bilibid pupunuin ng mga high tech na cellphone signal jammers
Maglalagay ng mga high tech signal jammers ang Bureau of Corrections sa loob ng New Bilibid Prisons.
Ipinaliwanag ni Bucor Director Benjamin Delos Santos na ang kanilang mga signal jammers mula sa Israel ay may kakayang hanapin ang mga naka-on na cellphones sa loob ng NBP.
Kaya rin nito na ma-retrieve ang mga text messages na ipinapadala ng mga cellhones.
Sa kabuuan ay gumastos ang Department of Justice ng P100 Million para sa pagbili ng nasabing mga makabagong signal jammers.
Nauna dito ay sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na muling nanumbalik sa loob ng Bilibid ang illegal drug trade sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Special Action Force ng PNP.
Ito rin ang naging hudyat kaya’t inirekomenda ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pull-out ng mga PNP-SAF personnel sa Bilibid dahil nalalagay umano sa alanganin ang kanyang mga tauhan dahil sa mga maling paratang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.