Apektado kasi ng power interruption ang Leyte, Samar, Bohol, Panay Island, Negros, Cebu at iba pang bahagi ng Visayas.
Patuloy ang koordinasyon ng DOE sa iba pang ahensya para silipin ang naging pinsala pati na rin ang NGCP para malaman ang lawak ng pinsala sa mga transmission facilities nito sa Visayas.
Sa ngayon ay hindi pa umano sigurado kung kailan maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar pero tiniyak naman ng DOE na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para agad itong masolusyunan
Una nang nagbigay ng direktiba ang DOE sa mga managers ng mga energy facilities kahapon kabilang na ang mga power distribution utilities na magsumite ng regular na update sa ahensya para sa tamang koordinasyon at mabilis na panunumbalik ng kuryente.