Ormoc Airport, magbabalik na sa normal na operasyon ngayong araw

Magbabalik normal na ngayong araw ang operasyon ng Ormoc Airport.

Ito’y makaraang tumama ang 6.5 magnitude na lindol sa Probinsya ng Leyte noong isang araw na naging dahilan para pansamantalang suspendihin ang kanilang operasyon.

Base sa abiso na inilabas ng Department of Transportation, naisaayos ng Civil Aviation Authority of the Philipines o CAAP ang napinsalang Ormoc Runway sa loob ng 24 na oras.

Natapos na rin ang inspeksyon sa passenger terminal building at napalitan na ang bahagi ng runway na nagkaroon ng marka.

Samantala, wala naman naitalang pinsala Ang Calbayog, Catarman at Tacloban Airports, na nag-o-operate ng regular commercial flights kahapon pa.

Kapareho rin ang sitwasyon sa ibang airport sa Region 8 na sakop ng Visayas ang Biliran, Borongan, Catbalogan, Guiuan, Hilongos and Maasin in Leyte province.

Read more...