Maute Group, gagamitan ng mas malalakas na bomba ng AFP
Plano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gamitan ng mas malalakas na bomba ang natitirang lugar na hawak ng Maute terror group sa Marawi City para tuluyan nang matigil ang paghahasik ng kaguluhan ng grupo.
sinabi ito ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sa pulong balitaan sa Malacañang.
Gayunman, sinabi ni Padilla na nakasalalay pa rin ito sa magiging assessment ng ground commander ng mga tropa ng gobyerno.
Sinabi ni Padilla pinili talaga ng Maute Group ang matitibay na gusali sa lungsod na hindi agad nasisira para pagkutaan.
Bagamat marami ng nabawing mga lugar ang mga sundalo, sinabi ni Gen. Padilla na apat na lugar pa ang nananatiling kontrolado ng mga terorista sa Marawi City.
Balak bagsakan ng Philippine Air Force ng mga 500 pound o 227 kilograms na bomba ang mga terorista gaya ng bombang ginamit ng amerika laban sa mga Taliban fighters sa Afghanistan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.