Itinaas na ng Department of Health (DOH) sa Code Blue Alert ang kanilang alerto sa mga nilindol na lugar sa Visayas Region.
Ayon kay DOH Spokesperson Asec Eric Tayag kabilang ang mga lalawigan sa Eastern Visayas gayundin ang mga kalapit na probinsya ng lugar na ito ng Bohol, Cebu, negros at Surigao.
Sinabi ni Tayag na sa ilalim ng code blue alrert lahat ng mga doctor at nurse ng mga government hospital ay kailangang naka duty.
Ito ayon sa opisyal ay upang makasiguro na may sapat na bilang ng mga doctor at nurse na mag-aasikaso sa mga dadalhing pasyente na naapektuhan ng lindol.
Kasunod na rin ito ng pagdagsa anya ng nasa 40 pasyente sa isang ospital sa Leyte.
Samantala, ipinapasuri na ng DOH sa mga engrs ang integridad ng mga government at private hospitals sa mga nilindol na lugar.
Ito anyon kay Tayag ay upang makasiguro na ligtas ang mga ospital na maaring pagdalhan sa mga pasyente.
Maging ang pinagkukunan ng maainum na tubig sa mga nilindol na tubig ay ipinasusuri na rin ng DOH upang makatiyak na malinis ito.
Sa ngayon anya ay wala pa namang ulat na ospital na naapektuhan ng lindol.
Inaasahan naman ni Tayag na mabibigyan sila ng report sa loob ng 48 oras.
Sa pinakahuling tala ng DOH, dalawa na ang patay at 138 ang nasugatan sa pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa kabisayaan.